Posted August 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pasok na sa top ten ang Malaysia sa naitalang tourist
arrival na dumayo sa isla ng Boracay ngayong unang quarter ng taon.
Base sa naitalang record para sa tourist arrival ng
Department of Tourism (DOT) nasa ika-walong puwesto ngayon ang Malaysia kung
saan umabot sa 8, 819 ang mga Asean na pumunta sa Boracay simula nitong Enero
hanggang Hulyo.
Napag-alaman na ang Malaysia ay hindi nakakasama sa top
ten tourist arrival sa Boracay dahil sa hindi gaano kalakas ang promotions ng
isla sa kanilang bansa.
Nabatid na sa ginawang promotions and marketing ng DOT sa
ibat-ibang bansa para sa Boracay ay may marami na ang mga nagkaroon ng interest
na magbakasyon sa isla kabilang na ang
mga Malaysian.
Isa rin sa dahilan kung bakit tila dumarami ang mga
dumadayo sa Boracay ay dahil sa patuloy na pag-island tour ng mga cruise ship
sa island resort sakay ang mga turista mula sa ibat-ibang bansa.
Samantala, ang Korea parin ang nangunguna sa pwesto sa
may pinakamaraming tourist arrival sa Boracay maliban sa local tourist.
No comments:
Post a Comment