Posted August 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Aprobado na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang operasyon
ng Aerospace na Air Ambulance para sa APEC Summit 2015 sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos na maaprobahan sa 3rd and final reading sa
23rd SB Regular Session ng Malay kahapon ng Martes ang kanilang mga inilatag na
dokumento sa SB.
Napag-alaman na matagal din ang naging deliberasyon at
pag-aaral ng LGU Malay para dito bago nila pahintulutang mag-operate ang
Aerospace sa isla.
Samantala, isang committee hearing din ang isinagawa ng
SB Malay sa pangunguna ni SB Member at Chairman ng Committee on Tourism Jupiter
Gallenero para tiyakin kung ito ay isang mabisang paraan at higit na kakailanganin
para sa APEC Summit.
Sa kabilang banda pinoproseso na rin ng kompanya ng
Aerospace ang kanilang kakailangan sa kanilang Air Ambulance operation.
Nabatid na ang Air Ambulance ay isang malaking tulong
sakaling mayroong pasyente na kabilang sa APEC ang kinakailangang dalhin sa
ilang pagamutan sa mainland.
No comments:
Post a Comment