Posted August 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagreklamo sa Boracay PNP Station ang isang turistang
Dutch national matapos na umano’y sinuntok sa mata ng kapwa foreigner.
Kwento ng biktimang si Hein Kootstra, 22 anyos, nakaupo
ito habang umiinom ng alak sa loob ng isang bar sa Balabag Boracay nang biglang
nilapitan ng hindi nakilalang foreigner at sinuntok ang kanyang kanang mata.
Ayon sa biktima, hindi nito alam ang dahilan kung
bakit umano ito sinuntok at hindi nya kilala ang foreigner na nanuntok sa
kanya.
Samantala, nagtamo naman ng black eye ang biktima
at nasira din ang salamin ng reading glass nito.
No comments:
Post a Comment