Posted August 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hanga ang Sangguniang Bayan ng Malay sa operasyon ng electric
tricycle (e-trike) ng Gerweiss Motors Corporation sa isla ng Boracay.
Katunayan sa SB Session ng Malay nitong Martes sinabi ni SB
Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre na isa siya sa humanga sa
operasyon ng nasabing sasakyan.
Komportable umano kasi itong sakyan at hindi gaanong
masikip kumpara sa ibang electric tricycle na bumibiyahe ngayon sa isla.
Samantala, sinabi pa nito na ang e-trike ng Gerweiss ay
idinisenyo para sa isla ng Boracay kung saan ito na rin ang kanilang ginawang
batayan ng lahat ng e-trike na papasok sa isla.
Sa kabila nito nais naman ng LGU Malay na magtalaga ng
standard at magkaroon ng resolusyon para sa lahat ng mga kumanpanya ng e-trike
na papasukin ang operasyon sa isla upang malaman nila ang mga kawalipikasyon
para dito.
Nabatid na ang e-trike ang siyang gagamiting pamalit sa
mga tricycle unit na bumibiyahe ngayon sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment