Posted August 13, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Masusing pinag-uusapan sa Sangguniang Panlalawigan
(SP) Aklan ang pagkakaroon ng kaukulang pondo para sa pagsasaayos ng circumferential
road sa Boracay.
Sa ginanap na 27th Regular Session ng SP
Aklan kaninang umaga, isinusulong ni SP Member Esel Flores ang resolusyon na
humihiling kay Congressman Teodorico Haresco na asikasuhin ang kaukulang pondo
para sa pagsasaayos ng mga kalsada sa isla.
Nabanggit dito ang pagsasaayos ng mga drainages at
sewerage manholes lalo na’t patuloy ang pagdagsa ng mga lokal at dayuhang mga
turista na bumibisita.
Ito’y bahagi narin umano ng paghahanda sa nalalapit
na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na gaganapin sa susunod na
taon.
No comments:
Post a Comment