Posted May 7, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isang wallet na naglalaman ng mga pekeng pera ang etinurn-over
sa Boracay PNP.
Ayon sa report ng Boracay PNP, isinauli ng isang
empleyado ng Caticlan-Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative (CBTMPC) ang
nasabing wallet na naglalaman ng mahigit 20 mil pesos na pekeng pera.
Nakita umano nitong Martes ng kanyang anak ang wallet na
naiwan sa front seat ng tricycle na naka-parking malapit sa kanilang residensya
sa So. Hagdan Yapak Boracay.
Subali’t nang ipasuri ang perang laman ng wallet, ay
nalamang peke pala ang mga ito.
Samantala, nakita rin sa nasabing wallet ang isang Save
Money Card na nakapangalan kay Nassie Rominimbang at isang NBI Clearance ni
Pawa Bai Muhadina ng Taguig City.
Kung matatandaan sa naunang mga ulat, na isa sa mga
may-ari ng card na si Nassie Rominimbang ay nahuli ng mga pulis matapos na
i-reklamo ng ilang souvenir vendors na namili gamit ang mga pekeng pera nitong
linggo.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga taga Boracay
PNP Station tungkol dito.
No comments:
Post a Comment