Posted May 8, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang tiniyak ni Aklan Acting Asst. Provincial
Administrator Geric Templonuevo hinggil sa hinihinging tulong ng National
Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Naaantala umano kasi ang rehabilitation at
restoration project ng NGCP dahil sa problema nila sa right of way.
Magugunitang sinabi ni NGCP Panay District Head Rey
Jaleco sa isang press conference na may mga lot owners na ayaw itayo sa
kanilang lupa ang mga Emergency Restoration System (ERS) ng NGCP, kung kaya’t
umapela sila ng tulong sa Pamahalaang Provincial ng Aklan.
Kaugnay nito, sinabi ni Templonuevo na inaalam pa ng
local government sa NGCP kung ano ang mga maaaring maitulong nila.
Samantala, sinabi din nito na kung sa provincial
roads ang problema ay sinisiguro ng lokal na pamahalaang probinsya na tutulong
ito dahil para naman sa ikabubuti ng lahat.
Subalit, kapag ang problema ay sa mga national
highways ay ang DPWH na umano ang dapat kausapin tungkol dito.
No comments:
Post a Comment