Posted May 8, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isang Angolan National sa Boracay ang nakipag-away
at nanakal ng Pinoy sa Brgy. Balabag Boracay dahil lamang sa panunukso.
Tinawag umano kasi itong ‘uling’ ng sinakal niyang
Pinoy.
Subali’t ayon sa report ng Boracay PNP, pinagbintangan
lamang umano ito ng kasintahan ng nasabing Angolan National.
Kinilala sa report ang Angolan National na si
Zeferino Fiel Da Silva, kasintahan nitong Pinay na si Angel Chan at ang
nakaaway nitong Charly Tolosa.
Nagulat na lamang di umano ang nagrereklamong si
Charly habang kumakain ng ice candy nang lapitan ni Angel, at kinompronta kung
sino ang nagsabing uling ang kanyang kasintahan.
Dahil dito, isang mainit na argumento ang namagitan
sa dalawang panig kung saan sinakal umano ng suspek ang biktima.
Samantala, kaagad namang naawat ang komosyon sa
nasabing lugar.
Sa kabilang banda, sa isinagawang follow-up
investigation isa din umanong lalaking kasamahan ng nagrereklamo ang sumuntok
kay Fiel Da Silva na nagresulta ng pinsala sa ilong nito.
No comments:
Post a Comment