Posted May 7, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang hinaing ng ilang mga stakeholders sa isla
hinggil sa nararanasang manaka-nakang brown-out.
Kaya naman, sa darating na Sabado, Mayo 10 ay
nakatakdang mag-usap ang mga opisyal ng AKELCO at Boracay Foundation Inc. (BFI)
para ipaliwanag sa mga stake holders sa Boracay ang nasabing power
interruption.
Ayon kay BFI Executive Director Pia Miraflores, marami
na rin umano kasi sa mga resort owners at iba pang stakeholders sa isla ang
nagrereklamo dahil sa pagkasira ng kanilang mga Generator Sets at ilan pang mga
de kuryenteng gamit.
Maliban dito, panay rin umano ang reklamo ng ilang
mga guest dahil sa biglaang pagkawala at bigla ring pagbalik ng power supply ng
kuryente.
Samantala, nabatid naman sa ipinadalang kalatas ng
AKELCO na kaya nagkakaroon ng power interruption ay dahil sa low voltage at
manual load dropping.
Ito’y dahil rin sa pagsasaayos ng connection ng
NGCP 69KV sa 50MVA ng Panit-an Capiz na naka-konekta rin sa Nabas Aklan
Substation kung saan kumukuha ng supply ang AKELCO.
Kaugnay nito, hinimok rin ng AKELCO amg mga member
consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.
No comments:
Post a Comment