Posted May 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinakasa na ngayon ang pagbibigay parangal ng SB Malay
sa grupo nina S/Supt. Nacion at PSinspector Mark Evan Salvo.
Ito’y matapos ang ipinasang resolusyon ni SB Member
Jupiter Gallenero dahil sa sunod-sunod na operasyon na ginawa ng nasabing grupo
para tugisin ang mga gumagamit at nagbibinta ng ilegal na droga sa isla ng
Boracay.
Sa kaniyang ipinasang resolusyon nais niyang bigyang
papuri ang pagsisikap ng mga ito na kinabibilangan ng Aklan Provincial Police
Office (APPO) at ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
Si Senior Supt. Samuel Nacion ay bahagi ng Aklan
Provincial Police Office kung saan si Chief PSInspector Mark Evan Salvo ay ang hepe
naman ng (BTAC).
Sa SB Session ng Malay kahapon itinalaga na ang
resolusyong ito sa Incoming and referrals kung saan ini-refer naman ito ni
Chairman at Vice Mayor Wilbec Gelito sa Committee on Laws.
Samantala, inaasahang muling tatalakayin ang nasabing
usaping ito sa Session ng Malay para sa pagbibigay pugay sa mga kapulisang
tumutugis sa mga nagsasagawa ng ilegal na aktibidad sa Boracay.
No comments:
Post a Comment