Posted May 7, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Nasa plano na rin ngayon ng Malay Transportation Office
(MTO) ang posibleng pagkakaroon ng one way lane sa isla ng Boracay.
Ito’y para maibsan ang matinding idinudulot na trapik na
nangyayari sa isla ng Boracay lalo na sa pagsapit ng week end.
Ayon naman kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon,
meron na silang initial plan para dito ngunit hindi pa umano ito final dahil sa
ongoing parin ang pag-formulate nila ng traffic code.
Samantala, hinihikayat naman nila ang lahat ng mga
delivery vehicles, at mini-dump truck na kung maaari ay dumaan muna sila sa
circumferential road para makabawas trapik sa main road.
Sa ngayon umano ay hindi pa isang daang porsyentong
naisasaayos ang circumferential road sa Boracay dahil sa may ilang bahagi parin
ng mga kalsada ang hindi parin natatapos ayusin.
Maaalang naging problema ang trapik sa Boracay nitong
nakaraang week end kung saan pansamantalang tinanggal ang color coding dahil sa
kakulangan ng masasakyan dulot ng pagdagsa ng maraming turista sa isla.
No comments:
Post a Comment