Posted
May 10, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon kasi kay Balabag Barangay Captain
Lilibeth Sacapaño.
Ipapakita nila ang kultura ng Boracay sa pamamagitan ng iba’t-ibang
paligsahan at palabas na magsisimula mamayang gabi hanggang sa Lunes, May 12.
Kaugnay nito, inaayayahan din ni ‘Kap Lilibeth’ ang lahat sa Welcome
Ball mamayang gabi sa Balabag Plaza na pasasayahin ng singing at dance contest.
Ipinagdiriwang umano ng barangay Balabag ang kapistahan bilang
pagmamahal sa kanilang patrona na si Birheng Maria.
Samantala, nagpaalala naman ang Holy Rosary Parish Boracay sa mga
aktibidad ng simbahan kaugnay sa nasabing kapistahan.
Ayon kay HRP Boracay Priest Moderator Father Arnold Crisostomo, isang
misa ng pasasalamat ang gaganapin sa simbahan na susundan ng prusisyon, at high
mass na pangungunahan naman ni Diocese of Kalibo Bishop Msgr.Jose Corazon
Talaoc.
Samantala, excited na rin ang mga residente ng Barangay Balabag, lalo
pa’t bukas na ang inaabangang coronation night sa bispera ng nasabing
pagdiriwang.
No comments:
Post a Comment