Posted May 10, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y matapos ang naiwang tambak-tambak na basura sa shoreline
nitong nakalipas na LaBoracay kung saan mayroong isinagawang event.
Ayon sa BFI ilalagay nila ito sa Caticlan Airport at
Jetty Port kabilang na ang malaking signboard sa Cagban Port na naglalaman ng
mga Do’s and Don’ts sa Boracay.
Nabatid na mahigpit na ipinagbabawal ng Lokal na Pamahalaan
ng Malay ang paninigarilyo, pag-inum ng alak at pagdadala ng pagkain sa beach
front dahil sa ang ilan ay iniiwan lang ang kanilang basura sa puting buhangin
ng isla.
Maaari namang bigyan ng kaukulang parusa ang mga mahuhuling
lumabag sa naturang batas o mabigyan ng karampatang pinalidad.
Samantala, ang BFI ay nakipagtulungan sa ilang mga Foundation
na under rin sa Boracay Beach Management Program (BBMP) para maisakatuparan ang
nasabing hakbang.
No comments:
Post a Comment