YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 06, 2014

Tourist arrival sa Boracay nitong long weekend, pumalo ng mahigit 29 na Libo

Posted May 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pumalo ng mahigit sa 29 na libo ang naitalang tourist arrival ng Caticlan Jetty Port sa Boracay nitong apat na araw sa buwan ng Mayo.

Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, simula noong Mayo-uno hanggang nitong Linggo ay nakapagtala sila ng 29, 618 tourist arrival na bumisita sa isla ng Boracay.

Habang pumalo naman sa 10, 431 tourist arrival ang kanilang naitala nitong Labor Day sa loob lamang ng isang araw.

Napag-alaman na karamihan sa mga dumayong turista sa Boracay ay ang mga local tourist para makisaya sa ibat-ibang event na isinagawa sa isla.

Samantala, naging problema naman ng mga otoridad at ng Lokal na Pamahalaan ng Malay nitong mga nakaraang araw ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at ang mga naiwang basura sa dalampasigan na ikinadismaya ng local officials at ilang turista.

Samantala, mahigpit parin ang ipanapatupad na seguridad ngayon sa Boracay sa pangunguna ng Philippine National Police, Maritime Police, Philippine Coastguard at ng mga Law Enforcers.

No comments:

Post a Comment