YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 06, 2014

COMELEC, muling nagpaalala kaugnay sa biometrics registration

Posted May 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Muling ipinaalala ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang ipinapatupad na reporma sa paghahanda sa 2016 Presidential Elections.

Ayon kay Malay COMELEC Officer II Elma Cahilig, hindi maaaring makaboto ang isang botante kung walang biometrics kaya’t kakailanganin ng mga ito na magparehistro para sa biometric data.

Samantala, nabatid sa naunang mga ulat na ang biometrics system ang gagamitin para sa fingerprints at larawan ng mga botante at magiging botante bago bigyan ng voter’s ID.

Inaasahan naman ngayong araw ang pagdagsa ng mga bagong botante mula sa iba’t-ibang lugar sa Malay na magpaparehistro para sa darating na eleksyon.

Kaugnay nito, ipinaalala ng COMELEC sa mga botante na huwag nang antayin pa ang 2015 bago magparehistro para maiwasan ang abala.

Bukas naman ang opisina ng COMELEC Malay sa mga nais magparehistro tuwing office hours mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Kailangan lamang magdala ng valid ID, partikular ng government ID at Live Birth para sa pagpaparehistro.

Ang pagpapa-rehistro ng mga botante sa pamamagitan ng biometrics system ay nagsimula ngayong araw, Mayo 6 ngayong taon hanggang sa ika-31 ng Oktubre sa 2015.

No comments:

Post a Comment