Posted May 9, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kinumpirma ng Aklan Provincial Government na may
moratorium tungkol sa pagkuha ng buhangin sa Aklan at Ibajay River.
Ayon kay Acting Asst. Provincial Administrator
Geric Templonuevo, matagal nang ibinaba ang nasabing moratorium.
Ito’y upang maiwasan umano ang pagkasira ng
kalikasan at pagbaha.
Samantala, nabatid na sumugod kaninang umaga sa
bahay ni Aklan Governor Joeben Miraflores ang ilang mga haulers at quarrier
mula sa Boracay.
Ito’y upang e-apela ang ilang mga katanungan tungkol
sa umano’y pagbabawal di umano sa kanila na kumuha ng buhangin sa mga nabanggit
na lugar.
Ayon sa myembro ng mga nagrereklamong kooperatiba, kung
totoo man ang nasabing kautusan ng pamahalaang probinsyal ng Aklan.
Mahirap ito para sa kanila sapagkat dito
nakasalalay ang kanilang pangkabuhayan.
No comments:
Post a Comment