Posted May 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang Apartment
sa PCTV Sitio. Manggayad, Brgy. Balabag Boracay nitong Martes.
Nakilala sa report ng Boracay PNP ang biktimang si Bernd
Gramann, 59-anyos at isang German National.
Ayon sa salaysay ng Live in partner ng biktima na si
Liezel Catindig ng Nabitas, Numancia, Aklan.
Naabutan na lamang nito sa kanyang pagbalik mula sa bayan
ng Kalibo si Gramann na nakahiga sa kanilang kama at wala nang imik nang
kanyang gisingin.
Dahil sa kaniyang pag-alala agad umano siyang humingi ng
tulong kung saan isang doktor ng Metroplolitan Doctors Medical Clinic sa
Boracay na si Martin Ongkeko ang pumunta doon sa lugar para suriin ang nasabing
biktima.
Doon na narin sinabi ng doktor na wala na itong pulso at
hindi na humihinga at nasa stage na siya ng “Livor Mortis” o nangingitim na ang
kaniyang katawan kung saan idineklara na rin itong patay bandang alas-4 ng hapon.
Humingi naman ng assistance ang kapulisan sa SOCO Boracay
at basi sa kanilang ginawang imbistigasyon wala namang nangyaring foul play sa
insidente at natural death lamang ang ikinamatay nito.
Agad namang dinala ang bankay sa Prado Funeral Homes sa
Brgy. Caticlan, Malay, Aklan.
Dahil dito ipinagbigay alam naman ng PNP Boracay sa
Department of Tourism (DOT) ang nangyari para maipagbigay alam rin ito sa
German Embassy.
Sa ngayon hawak naman ng mga nasabing otoridad ang
mahahalagang gamit ng biktima para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment