Posted May 10, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Makikipagdiyalogo kay Aklan Governor Miraflores ang mga taga Haulers Cooperative sa Boracay dahil sa problema sa quarried aggregates sa isla.
Ayon kasi kay Boracay Malay Sea and Land Haulers
Multi-Purpose Cooperative Chairman Edgar Marasigan Jr, kinukulang na sila ng suplay ng
buhangin o quarried aggregates sa isla, at hindi na rin umano sila nabibigyan
ng quality sand o buhangin.
Nagrereklamo din tuloy ang kanilang mga sinusuplayang
contractor sa Boracay dahil hindi nakakapasa sa standard ang naibibigay nilang
buhangin.
Dagdag pang pasanin sa mga taga kooperatiba na hindi na
sila maaaring suplayan ng buhangin ng Ibajay, lalo pa’t nagdeklara ng
moratorium si Aklan Governor Miraflores sa mga quarrying activities sa
probinsya.
Maliban dito, hindi rin umano sila maaaring kumuha ng
buhangin sa ibang lugar.
Samantala, hindi rin umano sila kombensido sa ipinangako
ni Engr. Leo PareƱa, kinatawan ng Aklan Provincial Government nang minsan na
silang makipagpulong dito kaugnay sa nasabing problema.
Ipinangako umano kasi nito na magkakaroon ng sapat na
suplay ng buhangin ang kooperatiba kahit iisang supplier lang ang kanilang
pinagkukunan sa Caticlan.
Kaugnay nito, umaasa naman aniya sila na mapagbibigyan ni
Governor Miraflores ang kanilang hinaing.
No comments:
Post a Comment