Posted May 6, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa report ng Boracay PNP, ala una kanina ng
madaling araw habang nakatayo umano ang dalawa sa mga biktima sa veranda ng
kanilang nirerentahang kwarto sa isang resort sa Balabag Boracay nang pumasok
ang isang hindi kilalang lalaki.
Pahayag ng mga biktima, may dala-dalang bolo ang
suspek kung saan inutusan nito ang mga biktimang buksan ang kanilang wallet na
nakapatong sa mesa at ibigay ang pera.
Nasabat ng suspek ang pera ng mga biktima na
nagkakahalaga ng mahigit pitong libong piso at ilan pang mga foreign currencies.
Samantala, nagpapatuloy naman sa ngayon ang
imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing pagnanakaw.
No comments:
Post a Comment