Posted May 9, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Pursigido ngayon ang lokal na pamahalaan ng Malay na
maagaw ang titulo mula sa Thailand na may hawak ng Guinness World Record for Longest
Massage Chain.
Sa ginawang pulong at paghahanda, inilahad ni Felix Delos
Santos ng Malay Municipal Tourism Office na kailangan malampasan ang record na
1,223 para masungkit ng Boracay ang bagong record.
Kinumbinsi nito ang lahat ng mga therapist at masahista
sa isla na makilahok at suportahan ang adhikain na ito para maisulong ang
pagkakaroon ng Boracay Signature Massage na sila din ang makikinabang.
Ang lahat ng masahista na kalahok ay kailangan
dugtong-dugtong na nagmamasahe sa kapwa masahista para makabuo ng isang linya
at dito pagbabasehan ang dami ng bilang ng lumahok.
Aasahan naman na mapupuno ang dalampasigan ng Boracay sa
araw na ito dahil na rin sa gagawing coverage ng ilang TV network para mag
dukomento ng aktibidad kasama na ang mga taga-Guinness World Record.
Ang record attempt na ito ay isa sa mga highlight para sa
selebraysyon ng Boracay Day sa darating na May 16,2014.
No comments:
Post a Comment