Posted May 9, 2014
Ni Abigail Lei Bardenas at Bert Dalida YES FM
Boracay
Maituturing na kasaysayan ang pagpunta sa Boracay ng
may-ari at head designer ng Diamond Supply Co na si Nicky Diamonds nitong
nakaraang weekend.
Subali’t mas naging makasaysayan ang pagkakasauli ng
kanyang nawawalang singsing na nagkakahalaga ng tinatayang limang libo hanggang
anim na libong dolyares.
Ayon sa mga ulat, nakikisaya si Nick Diamonds sa isang
party dito sa isla nang mawala nito sa front beach ang kanyang rose gold at
diamond ring.
Sa dami ng tao nang panahon na iyon sa Boracay, hindi
inasahan ni Diamonds na muli pa itong mapapasakanya, sa kabila ng paniniwalang
hindi na ito maisasauli sakali mang may makapulot nito.
Ngunit isang Jaffe Lacson ang nakakita pala ng nasabing
singsing kung saan gamit ang kanyang Instagram account, inilagay nya ang
larawan ng singsing kung saan kitang kita ang nakaukit na pangalan sa loob
nito, sabay “tag” kay Nicky Diamonds.
Isinauli ng Pinoy ang singsing kay Nicky sa mismong hotel
room nito at sa labis na kasiyahan, ay ibinigay na lamang niya ang tinatawag
nyang Grizzly ring kay Jaffe bilang reward.
Bilang pagpugay sa Pilipino, inilagay din ni Nicky
Diamonds ang kanyang larawan kasama si Jaffe Lacson na suot suot na ang
isinauli nitong singsing sa kanya ring Instagram account.
saludo ako sayo jeff!
ReplyDeleteI learn some new stuff from it too, thanks for sharing your information. college class rings
ReplyDeletey6w72e6q59 j4j27a3x08 j6k93s0v75 o1k23j0p56 u1f55o1g18 c3t82u7j11
ReplyDelete