Posted May 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Gustong humingi ng kopya ng Sangguniang Bayan ng
Malay sa kabuuang ginastos sa nakalipas na 11th Fiesta De Obreros
nitong Mayo.
Sa SB Session ng Malay nitong Martes sinabi ni SB
Member Floribar Bautista na nais niyang humingi ng kopya sa lahat ng total
expenditures ng nasabing selebrasyon.
Maliban umano dito gusto rin niyang makita ang
record kung ilang donasyon ang natanggap ng LGU Malay mula sa mga business
establishment, stakeholders at private sectors para sa naturang selebrasyon.
Sinang-ayunan naman ito ng buong konseho kung saan
gusto nilang kumuha ng kopya mula sa Municipal Tourism Office (MTour) na siyang
may hawak ng fiesta De Obresos.
Sinabi naman ni SB Member Rowen Aguirre na meron
din siyang pending request sa Municipal Accountant Office noong 2012 tungkol dito.
Inaasahan rin ni Vice Mayor Wilbec Gelito na kailangang
mai-submit ito sa kanila sa susunod na regular session at dapat din umanong
hindi ito ma delayed kagaya ng mga naunang request ng konseho.
No comments:
Post a Comment