Posted May 21, 2014
Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay
Uhaw parin sa pag-asa ang mga residente ng Sitio
Tabon ng Brgy. Caticlan na muling maibabalik ang suplay ng tubig sa kanilang
lugar.
Ito’y matapos na wala paring tumutulong tubig sa
kanilang mga gripo ilang buwan na ang nakakalipas.
Sa Session ng Malay kahapon, sinabi ni SB Member
Leal Gelito sa kaniyang privileged speech na humihingi umano ng update ang mga
residente ng nasabing lugar tungkol sa kanilang problema.
Samantala, patuloy parin ang ginagawang
pakikipag-ugnayan ng LGU Malay sa Boracay Island Water Company (BIWC) na siyang
inaasahan para mabigyan ng suplay ng tubig ang mga residente sa Sitio. Tabon.
Matatandaang, sumugod ang mga residente ng nasabing
lugar sa SB Malay para humingi ng tulong dahil sa kanilang nararanasang
problema sa tubig.
Napag-alaman na ilang buwan ng walang tubig ang mga
taga Tabon na dati ay nagmumula at nag-kokonekta sa Malay Water District dahil
sa ilang problema sa linya nito.
Sa ngayon, patuloy parin ang nararanasang hirap ng
mga mamamayan ng Tabon kung saan kinakilangan pa nilang mag-igib ng tubig sa
katabing lugar at bumili ng maiinon na dagdag sa kanilang gastusin at gawain sa
pang araw-araw.
No comments:
Post a Comment