Posted May 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inimbitahan sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan
ang proponent o may akda ng ordinansang magre-regulate sa helmet diving sa
bayan ng Malay.
Ayon sa SP Aklan, mahalaga umano ang masinsinang
pag-uusap hinggil dito lalo na sa isla ng Boracay kung saan karaniwang
nagkakaroon ng Operation of Reef Walker or Helmet Diving.
Ang nasabing ordinansa ay unang isinulong sa
Sangguniang Bayan (SB) Malay na naglalayong higpitan ang helmet diving activity
lalo na sa Boracay para na rin sa seguridad ng mga turista at upang
mapangalagaan ang yamang dagat.
Samantala, unang nabatid na tatlo sa sampung
nagkakaroon ng helmet diving activity sa isla ng Boracay ay hindi sinusunod ang
ordinansang ipinalabas ng LGU Malay.
Una ring sinabi ni Boracay Life Guard Supervisor
Miguel “Mike” Labatiao na sadyang mayroong mga pasaway na nasasagawa ng
nasabing aktibidad sa hindi tamang lugar kung kaya’t kadalasang nasisira ang
mga corals dahil sa angkla ng kanilang bangkang ginagamit sa helmet diving
activity.
Dahil dito, hindi papayagan ng LGU Malay ang mga
helmet diving activities hangga’t hindi sila nabibigyan ng permit at hindi
nakakapag-comply ng kanilang mga requirements.
Base sa nilalaman ng ordinansa magtatalaga ng area
ng operasyon para dito at nag-uutos na bigyan ng parusa ang mga lalabag sa
nasabing batas.
No comments:
Post a Comment