YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, May 19, 2014

Mga taga Boracay and Malay Haulers Cooperative, hindi pa nakakapagdayalogo kay Aklan Governor Miraflores

Posted May 19, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Hindi pa nakakapagdayalogo kay Aklan Governor Joeben Miraflores ang mga taga Boracay and Malay Haulers Cooperative.

 
Kaugnay ito sa naging hinaing sa Aklan Provincial Government na bigyan sila ng sapat na supply ng aggregates o buhangin sa Boracay.

Maaalalang hindi rin sila naging kumbinsido sa ipinangako ni Engr. Leo PareƱa, kinatawan ng Aklan Provincial Government na magkakaroon sila ng sapat na suplay ng buhangin kahit iisang supplier lang ang kanilang pinagkukunan.

Samantala, ayon sa mga taga kooperatiba, maaaring maghaharap na sila ni Governor Miraflores, isa sa mga araw ng linggong ito kapag nabigyan na sila ng eskedyul.

No comments:

Post a Comment