Posted May 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nahaharap ngayon sa kasong Physical Injury at
Direct Assault Upon An Agent Of Person In Authority ang isang lalaking Danish
national.
Ito’y matapos syang manuntok ng pulis at manakit ng
isang pinay sa Boracay.
Ayon sa report ng Boracay PNP, mag-aala-una kanina
ng madaling araw nang maganap ang isang komosyon sa harap ng isang resort sa
Balabag Boracay.
Ininsulto di umano kasi ng lalaking Danish national
na si Nikolai Pindstrup, 20 anyos ang pinay na nakilala naman sa blotter report
na si Jennifer Quieta, 22 anyos ng Parañaque City.
Matapos ang pang-iinsulto, umalis umano ang turista
subalit makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito at sinampal ang pinay.
Upang makaiwas na lalo pang magkagulo, tumakbo di
umano ang nasabing pinay subalit nadapa ito at naabutan ng suspek saka sinakal.
Isa namang pulis ang nakakita sa pangyayari habang
nagpapatrolya sa lugar kung saan kaagad nitong nilapitan ang suspek at biktima
subalit, sa hindi malamang dahilan at probokasyon ay bigla rin itong sinuntok
ng turista.
Dahil dito, inaresto ang suspek ikinustodiya ngayon
sa Boracay PNP Station at napag-alaman ring nasa ilalim ito ng nakalalasing na
inumin.
No comments:
Post a Comment