Posted May 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Katunayan, sinabi ni Boracay Island Water Company
(BIWC) Customer Service Officer Acs Aldaba na tatlong drinking water stations
ang naka-propose nilang ipagawa at isa na rito ang sa Cagban.
Anya, ang nasabing hakbang ng BIWC at Manila Water
Foundation ay bilang pakikipagtulungan nila sa proyektong jetty port expansion
ng pamahalaang probinsyal ng Aklan.
Samantala, nilinaw naman ni Aldaba na ilalagay
mismo ang “drinking water station” sa terminal para may maiinom na tubig ang
mga bakasyunista at turista sa Boracay.
Taong 2012 pa umano ito napag-planohan at
ipinakiusap ni Tourism Sec. Ramon Jimenez na kaagad gawin, subalit ngayon
lamang naisakatuparan dahil sa pagkokonsidera ng ilang lokasyon.
No comments:
Post a Comment