YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, May 19, 2014

Dalawang construction worker sa Boracay, biktima sa magkahiwalay na kaso ng Physical Injury

Posted May 19, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Dalawang construction worker sa Boracay ang naging biktima sa magkahiwalay na kaso ng Physical Injury.

Si Jestoni Loria, 24 anyos ng Roxas Oriental Mindoro, napasugod sa Boracay PNP kahapon ng madaling araw matapos umanong hampasin ng tubo ng kanyang kapwa construction worker, habang papauwi ito sa kanyang boarding house.

Kaagad namang tumakas ang suspek matapos silang awatin ng kanilang mga kasamahan.

Samatala, isang construction worker din ang minarapat magpa-blotter sa Boracay PNP kahapon ng hapon, matapos umano itong hampasin ng bote sa mukha.

Base sa reklamo ng 47 anyos na si Rodel Geguillan ng Odiongan, Romblon.

Pinagtulungan din itong bugbugin ng dalawang nag-iinumang lalaki sa tindahan ng kanyang pinsan sa Barangay Balabag at kaagad tumakas.

Ayon naman sa mga taga Boracay PNP, madalas nasasangkot sa kaguluhan sa isla ang mga construction workers. 

No comments:

Post a Comment