Posted May 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kasi sa mga taga Boracay PNP, patuloy paring iniimbestigahan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga nasabing kalansay.
Matatandaan sa naunang mga ulat na natagpuan ng
dalawang construction worker sa isang construction site sa Sitio Cagban,
Manoc-Manoc ang unang bungo at kalansay.
Kaagad naman itong sinundan kinabukasan kung saan
isa na namang bungo at kalansay ng tao ang nahukay doon.
Sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang medico legal
examination ng SOCO at wala pang mailalabas na resulta tungkol dito.
Samantala, nabatid naman na ang nasabing lugar ay
dating hotel sa Boracay.
No comments:
Post a Comment