Posted May 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aminado ang LGU Malay na marami na rin ang kanilang
natatanggap na reklamo hinggil sa ipinapatupad na building construction
moratorium sa isla ng Boracay.
Ayon kay Mabel Bacani ng Boracay Re-development
Task Force.
Kung “complaint” ang pag-uusapan ay hindi naman
talaga ito maiiwasan na mayroong mga magtatanong sa ipinapatupad na alituntunin
kaugnay sa pagtatayo ng gusali.
Subalit, ipinaliwag nito na ito’y
ipinapatupad para sa ikakabubuti ng lahat ng residente at sa lahat ng aspeto ng
isla.
Anya, ito’y naglalayong mabantayan o ma-monitor ang
bagong establishemento sa isla, at ma-inventory ang mga gusali upang makita kung
sino at ano ang lumabag sa Building Code at Ordinansang ipinapatupad sa Boracay.
Samantala, umaasa naman ang lokal na pamahalaan na
mapapanindigan at maisasakatuparan ito sa tulong ng lahat.
Ang kaunlaran ay hindi lamang sa mga gusali at
kapaligiran kundi sa iba pang bagay at serbisyo sa turista para makasabay din
ang Boracay sa international standard.
Magugunitang ibinaba ang nasabing moratorium sa
pamamagitan ng Executive Order No. 006 series of 2014 ni mismong Malay Mayor
Joh Yap nitong nakaraang buwan ng Abril.
No comments:
Post a Comment