YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 22, 2014

Mga sumali sa Longest Massage Chain ng Boracay, bibigyan ng certificate of recognition

Posted May 22, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Bibigyan ng certificate of recognition ang mga sumali sa Longest Massage Chain ng Boracay.

Ito ang kinumpirma ng Municipal Tourism Office  (MTour) ng Malay, base na rin umano sa mga napagkasunduan bago pa nagsimula ang Boracay Day nitong nakaraang linggo.

Ayon pa sa mga taga MTour, hindi lang agad naibigay sa mga kalahok ang mga sertipiko dahil nagsiuwian na rin ang karamihan sa mga lumahok sa Longest Massage Chain nitong nakaraang Biyernes.

Aminado rin ang mga taga MTour, na hindi na rin agad naibigay pagkatapos ng  mismong araw ang ibang certificates dahil hindi pa natatapos ang pag-iimptrenta nito.

Samantala, maliban sa nasabing certificate na ibibigay ng LGU Malay, hinihintay na rin umano nila ang certificate mula sa Department of Health (DOH).

Nabatid na pumunta na sa opisina ng MTour sa Barangay Balabag ang ibang sumali sa aktibidad para makuha ang kanilang certificate of recognition.

No comments:

Post a Comment