Posted May 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Humingi ng tulong sa Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) ang dalawang babaeng Turkish national matapos na mabiktima ng pagnanakaw
sa Boracay.
Ayon sa report ng 23 anyos na si Gozde Ozdem,
inilagay nya ang kanyang itim na pitaka sa front beach ng Balabag Boracay saka
pumunta sa isang bar kasama ang kaibigang si Berna Kara.
Subalit nang bumalik na umano ang mga ito sa lugar na
pinag-iwanan nya ng wallet ay doon na nalamang nawawala ang pitaka na
naglalaman ng limang libong piso, credit card at turkey card nilang
magkaibigan.
Nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng
Boracay PNP Station hinggil sa nasabing pangyayari.
No comments:
Post a Comment