Posted May 19, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Inaasahang matutuwa ang mga mag-aaral ng Boracay National
High School sa kanilang pagbabalik-eskwela sa darating na pasukan sa Hunyo.
Nilinis kasi at muling pininturahan ang mga silid-aralan
doon sa pagsisimula ng Brigada Eskwela ngayong araw.
Hawak ang mga walis at pamunas, pinagtulungang linisin ng
mga magulang, mga guro ng BNHS o Boracay National High Shool, at mga volunteers
ang mga bintana, upuan, at paligid ng nasabing eskwelahan.
Pinagtulungan din ng mga taga Boracay PNP at PARDSS o Public
Assistance for Rescue, Disaster and Support Service na akyatin, linisin at
pinturahan ang mataas na bahagi ng mga silid-aralan.
Ayon kay Brigada Eskwela Coordinator at Balabag
Elementary School Adviser Laarni Casidsid, labis ang kanyang pasasalamat sa
lahat ng mga tumulong sa unang araw ng Brigada-Eskwela.
Samantala, nanawagan din ito sa lahat ng mga nais
tumulong upang maging handa ang eskwelahan pagdating ng pasukan.
Maliban sa mga taga Boracay PNP, nakilahok din sa
Brigada-Eskwela ang mga taga Boracay Water, ilang opisyal ng Barangay Balabag,
at YES FM Boracay.
Magtatapos naman ang Brigada-Eskwela sa darating na araw
ng Sabado.
No comments:
Post a Comment