Posted May 23, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Pag-uusapan umano ng mga taga MAP upang
masolusyunan ang problema sa mga lasing na komisyoner.
Ayon kay Municipal Auxiliary Police (MAP) Deputy Chief Rodito Absalon Sr.
Marami na rin silang reklamong natatanggap
tungkol sa umano’y mga maling gawain ng mga nasabing komisyoner.
Halimbawa na nga rito ang mga reklamong
ipinaabot mismo sa kanila ng ilang mga residente sa isla, na
nakikipagtransaksyon parin ang mga ito sa mga turista kahit lasing.
Nakakahiya nga naman umano kasi sa mga
turista na lasing o amoy alak ang lalapit sa kanilang komisyoner.
Samantala, ayon pa kay Absalon, patuloy ang
kanilang pagkompiska ng brochure ng mga nasabing komisyoner lalo na kapag hindi
ang mga ito lisensiyado at accredited ng MTour o Municipal Tourism Office ng
Malay upang hindi makapagsamantala sa mga turista.
No comments:
Post a Comment