Posted May 21, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa ginanap na Public Hearing kaugnay sa Revised
Zoning Ordinance ng Malay kaninang umaga, sinabi ni Municipal Planning Officer
Alma Beliherdo, na nasa kamay parin ng bawat Malaynon, lalo na ng mga barangay
at municipal leaders, ang susi upang maisakatuparan ang mga nilalaman ng 10
year-CLUP o Comprehensive Land Use Plan para sa Malay at Boracay.
Mananatili lang umano kasing plano ang CLUP kung
hindi nila ito susuportahan.
Samantala, nilinaw naman ni Beliherdo na walang nabago
sa mga nilalaman ng nasabing ordinansa.
Nabatid na muling nagpatawag ng public hearing ang
konseho ng Malay upang muli mapag-aralan Zoning Ordinance, matapos ang dalawang
public hearing nitong nakaraang taon.
No comments:
Post a Comment