YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 20, 2014

Ibat-ibang organisasyon nagsama-sama sa unang araw ng brigada eskwela sa Aklan

Posted May 20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagsama-sama para sa taunang “brigada eskwela ang ibat-ibang organisasyon sa probinsya ng Aklan kahapon.

Ito’y upang tumulong sa paglilinis ng mga paaralan sa probinsya para sa nalalapit na pasukan ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon kay DepEd Education Program Supervisor Mary Ann Salazar, isang kickoff ceremony umano ang kanilang isinagawa kahapon na inumpisahan ng isang Parada sa bayan ng Kalibo na linahukan ng Philippine Army, Philippine National Police (PNP) private sectors mga guro at mga magulang ng mag-aaral.

Aniya, matapos ang ginawang ceremony ay tulong-tulong sa Brigada Eskwela ang mga guro, stakeholders, mga magulang, Army at PNP sa pagkumpuni at pagpintura ng mga upuan at paglilinis ng mga classroom.

Sa kabilang banda mag-iikot din ngayon sa mga paaralan sa probinsya si Aklan Schools Division Superintendent Dr. Jesse M. Gomez para tingnan kung anong mga paghahanda ang ginawa ng mga paaralan ngayong pasukan.

Samantala, isang linggong magpapatuloy ang brigada eskwela na kung saan ay may tema itong “Ensuring Disaster-Preparedness and Safety in Schools" ngayong taon.

No comments:

Post a Comment