Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinaghahandaan na ngayon ng Aklan Electric Cooperative o
AKELCO ang pagpasok ng summer season sa isla ng Boracay.
Katunayan abala sila sa ginagawang clearing operation sa
lahat ng mga poste ng kuryente sa isla.
Ayon sa Akelco Boracay Substation, taon-taon nila itong
ginagawa lalo na kapag papalapit na ang
panahon ng summer upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga power interruption.
Paniguro naman ng Akelco na marami na namang mga turista
ang dadagsa sa Boracay ngayong tag-init na nagiging dahilan ng pagdami ng mga
gumagamit ng kuryerte.
Layunin din umano nila na makapagbigay ng tuloy-tuloy na
serbisyo ng kuryente sa lahat ng mga lugar sa Boracay lalo na ngayong mainit na
ang panahon.
Sa kabilang banda siniguro naman ng Akelco na isang daang
porsyento ng naayos ang lahat ng wire ng kuryente sa isla matapos ang nagdaang bagyong
Yolanda o alin mang insidente na may kinalaman sa faulty wire connections.
Samantala, pag-unawa parin ang hiling ng Akelco sa lahat
ng kanilang mga miyembro at kunsumidor dahil sa nararasang mga power
interruption sa isla ng Boracay at buong probinsya ng Aklan.
No comments:
Post a Comment