YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 12, 2014

BTAC Chief Salvo, iginiit na walang riding in tandem sa Boracay

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Walang riding in tandem sa Boracay.

Ito ang iginiit ni Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) Chief PSInspector Mark Evan Salvo, kaugnay sa kumalat na balitang may mga nambibiktimang kawatan sa isla na nakasakay sa motorsiklo.

Ayon kay Salvo, maaaring nagkataon lamang na motorsiklo ang ginamit na get away vehicle ng mga salarin sa kanilang pagnanakaw, dahil ideal o angkop umano ito sa isla.

Magkaganon paman, sinabi din ni Salvo na laging ipinapatupad ng Boracay PNP ang maximum deployment ng mga pulis sa mga lugar na madalas mangyari ang nakawan.

Samantala, tiniyak naman ni Salvo na laging nagbabantay at laging handa para sa kaayusan at kapayapaan ang mga kapulisan sa isla.

Matatandaang isang babaeng Spanish National ang napaulat na nabiktima ng snatcher na “riding in tandem” sa Sitio Bolabog, Balabag, Boracay nitong nakaraang linggo.

No comments:

Post a Comment