Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagsimula na ang sikat na laro at inaabangang 12th
Boracay Open International Frisbee Competition sa isla.
Dakong alas-onse ng umaga kahapon ay sinumulan ng buksan ang
itinuturing na pinakamalaking beach tournament sa Asya.
Ito ay kinabibilangan ng mahigit sa apat na raang mga
partisipante na nagmula pa sa ibat-ibang bansa para lumahok sa nasabing sports
event.
Kabilang rito ang Boracay Dragons na naging tanyag na rin
sa pagkapanalo sa ibat-ibang bansa dahil sa nasabing kumpetisyon.
Nabatid na ang Boracay Dragons ay ang 2nd best beach
ultimate team sa buong mundo matapos nilang makamit ang silver medal finish ng
dalawang beses.
Ang una ay noong nakaraang taong 2007 sa Maceio, Brazil
kontra sa Australia at ang isa ay kontra USA sa Lignano Sabbiadoro, Italy noong
2011.
Plano namang masungkit ng nasabing kupunan ang gold medal
sa susunod na taon para sa World Beach Championship sa Dubai.
Samantala, ang nasabing kumpetisyon ay isinasagawa sa
Station 3 Boracay kung saan nagsimula na ito kahapon at magtatapos bukas araw
ng Linggo.
No comments:
Post a Comment