Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mainit na dinibatihan ng Sangguniang Bayan ng Malay kahapon
ang resolusyon na nagdedeklara kay Crisostomo Aquino bilang “Persona Non
Grata”.
Ito ay sa pagitan nina SB Member Rowen Aguirre at SB
Member Frolibar Bautista.
Ayon kay Aguirre patuloy parin umano ang ginagawang
paglabag sa patakaran at regulasyon ni Crisostomo sa ilalim ng sa batas ng pamahalaan.
Ninais naman nitong ilipat ang resolusyon na nagdedeklara
kay Aquino bilang “Persona Non Grata” kung saan aprobado na rin sa 2nd at final
reading ng SB Malay.
Ngunit sa kabila nito pinipilit ni Bautista na mabigyan
siya ng linaw kung bakit kinakailangang madeklarang “Persona Non Grata” si
Aqunio.
Samantala, ang ipinagtataka naman ni Bautista ay kung
sino ang pumayag na magtayo ng Resort si Aquino sa Boracay sa kabila ng walang
sapat na permit para sa operasyon nito.
Matatandaang nagpasa ng resolusyon si Aguirre laban kay
Aquino ng West Cove Boracay Resort dahil sa umano’y ginawang pambabastos o
pagsasalita ng hindi maganda nito kay Baranggay Captain Neneth Graf ng Motag,
Malay, Aklan.
No comments:
Post a Comment