YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 11, 2014

PNP 6 Regional Dir. C/Supt. Angan, ikinatuwa ang pagkaka-organisa ng Boracay Action Group

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ikinatuwa ni PNP 6 Regional Director Police Chief Supt. Josephus Angan ang pagkaka-organisa ng Boracay Action Group (BAG).

Katunayan, sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony ng BAG kaninang umaga.

Sinabi nito na kanyang nakita kung gaano ka organisado at ano ang nagawa ng BAG para manatiling maganda ang turismo ng Boracay.

Hanga din umano ito sa partnership ng LGU Malay at ng mga enforcers dito, kung paano ang mga ito nagtulungan para sa kapayapaan at kaayusan ng isla.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng suporta si Angan sa adbokasiya ng BAG.

Samantala, nakipagpulong din si Angan sa mga taga BAG at kay Malay Mayor John Yap matapos ang Joint Flag Raising Ceremony kaninang umaga, para sa seguridad ng Boracay.

Matatandaang inorganisa ni dating Boracay PNP Chief at ngayo'y OIC Provincial Director PSsupt. Samuel Nacion ang Boracay Action Group nitong nagdaang June 26, 2011.

No comments:

Post a Comment