Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang naramdaman ni Teodora Langley, 47 anyos at
may ari ng isang bar sa Boracay matapos na tangkaing hampasin ng umbrella stand
ng isang 50 anyos na Deutsch national.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP Station,
regular na customer ng nasabing bar ang nasabing turista na nakilala kay
Andreas Heinrich Diekman, 50 anyos ng Ludinghausen, Germany at isang Deutsch
national.
Lumalabas sa imbestigasyon na lagi na lamang kasi
umanong nanggugulo ang turista tuwing pumapasok ito sa nasabing bar at
nang-iisturbo sa iba pang mga customer.
Kaya’t minarapat na rin ng may ari nito na huwag
nalang muna itong papasukin para hindi na magkagulo.
Subalit, nagalit umano si Diekman at pinagmumura ang
may ari kung saan habang naglilinis umano ito sa garden area ng nasabing bar ay
tinangka nitong hampasin ng umbrella stand na agad naman umanong nakatakbo at
nakapagtago sa isang kwarto.
Samantala, patuloy naman sa pagsisigaw at pagmumura
ang Deutsch national na nagresulta rin sa pagkabahala ng ilang mga bisita doon.
Bagay na humingi na ng tulong sa Boracay PNP
Station ang nasabing bar na naging dahilan upang pansamantalang ikustodiya ang
nasabing turista.
No comments:
Post a Comment