Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dumulog sa Boracay PNP Station ang dalawang Russian
national matapos na di umano’y nakawan ng mahigit 1 thousand US Dollars at 150
Euro sa Boracay.
Ayon sa report ng Boracay PNP Station, humingi ng
tulong ang dalawang Russian national na nakilala bilang sina Dmetrii Shashurin,
33- anyos at Elena Chernova, 22- anyos.
Base umano sa kanilang salaysay, hapon nitong
linggo nang bumalik ang magkasintahan sa kanilang kwarto sa isang tinutuluyang
resort matapos na mamasyal sa isla, nang kunin di umano ni Ms. Chernova ang
kanyang wallet na nakalagay sa isang travelling bag ay nawawala na ang kanilang
pera.
Subalit sa isinagawa namang follow-up operation ng
mga kapulisan, lumalabas sa imbestigasyon na ang nasabing travelling bag na
pinaglagyan ng wallet ay naka-padlock at wala ring nakitang senyales na
pwersahan itong binuksan.
Kaya’t ayon sa mga pulis na nag-imbestiga sa kaso
ay napaka-imposible di umano na mayroong nangyaring pagnanakaw.
Samantala, dagdag pa ng may-ari ng nasabing resort
dala-dala di umano ng dalawang turista ang susi ng kanilang kwarto at
nakapagbayad na ito ng renta taliwas sa kanilang sinabi sa mga pulis na hindi
pa umano ang mga ito nakakapagbayad.
Inilagay naman ang nasabing pangyayari sa blotter
report ng mga taga Boracay PNP Station bilang record hinggil sa mga turistang
sumasangguni ng kanilang mga nawawalang gamit na walang katotohanan upang
magkaroon ng certificate of issuance galing sa mga pulis.
Nabatid na kapag nabigyan kasi umano sila ng
nasabing sertipikasyon ay ibinabalik sa kanila ng kanilang bansa ang mga
nawawalang gamit habang nasa isang bakasyon.
No comments:
Post a Comment