Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa second at final reading na ng SB Malay ang ordinansa
kaugnay sa Fire dancing show sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos na muling talakayin ang ordinansang
ini-akda ni SB Malay Frolibar Bautisata na nagre-regulate sa mga fire dancers
sa isla.
Ayon kay SB Member Rowen Aguirre aprobado na ang nasabing
ordinansa sa 3rd at final reading sa susunod na session.
Bagamat matagal ding inantay ni Bautista ang magiging
resulta ng kaniyang inihaing ordinansa tungkol dito kung saan umaasa naman ito
na mabibigyan ng sakatuparan.
Sa kabilang banda nilinaw naman ng Department of Tourism
na hindi tatanggalan ng trabaho ang mga fire dancers sa isla dahil ito ang
kanilang pinagkukunan ng hanap buhay.
Ngunit sa kabila nito nais ng DOT na kontrolin ang
ganitong gawain upang maiwasang ma-pollute o masira ang puting buhangin ng isla
ng Boracay.
Samantala, sakaling maging isang ganap na itong batas ng
LGU Malay maaaring maharap sa ibat-ibat penalidad ang isang fire dancing show kapag
mapatunayang lumabag sila batas.
No comments:
Post a Comment