YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 11, 2014

BFI, maglulunsad ng Coral REEFurbishment Project ngayong Biyernes

Ni Jay-ar M. Ar ante, YES FM Boracay

Maglulunsad ngayong Biyernes ang Boracay Foundation Incorporated o BFI ng Coral REEFurbishment Project.

Ito’y bilang bahagi ng adbukasiya ng Boracay Beach Management Program o BBMP sa coastal resources ng isla ng Boracay.

Nabatid na nitong taong 2010, naglunsad ang Boracay Beach Management Program (BBMP) ng programang Coastal Resource Management o CRM, sa pakikipagtulungan ng Boracay Foundation, Inc. (BFI), Petron Foundation, Inc. (PFI), at ng Local Government Unit ng Malay.

Samantala, ang Coral Reefurbishment ay isang programa ng BBMP sailaim ng CRM na layuning tulungan at protektahang mapanatili ang coastal resources ng isla ng Boracay lalo na ang coral reefs.

Napag-alaman na ang pamamaraan na ginagamit sa rehabilitasyon ng coral reefs ay coral transplantation kung saan ang grupo ay nangongulekta ng 10% na coral fragments mula sa healthy population ng coral reef.

Ang nasabing launching ay gaganapin ngayong Biyernes sa Boracay Station 3, Ambulong Malay, Aklan simula alas-otso ng umaga.

Pangungunahan naman ni Malay Mayor John P. Yap ang coral transplantation matapos ang isasagawang Ribbon Cutting at Blessing ng Platform.

No comments:

Post a Comment