Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang makahulugang sinabi ni Boracay Foundation
Inc. (BFI) President Jony Salme, hinggil sa Coral REEfurbishment na isa sa mga
proyekto ng Boracay Beach Management Program (BBMP).
Aniya, malaki umano ang maitutulong ng nasabing
programa upang maibalik ang mga nasirang korales sa isla ng Boracay at makikita
pa ng mga susunod na henerasyon.
Kaugnay nito malaki rin umano ang kanyang
pasasalamat sa patuloy na suporta ng Petron Foundation para maisakatuparan ang
nasabing programa.
Samantala, sinabi din ni Salme na malaki rin ang
papel na gagampanan ng mga mangingisda kung saan sila ang mangangalaga at
magmomonitor sa pagtatanim ng mga korales.
Nabatid na nagbigay ng limang-daang libong piso si
Marilou Erni ng Petron Foundation bilang suporta pinansyal sa Coastal Resource
Management maliban sa pondong inilaan ng ilang ahensya ng gobyerno.
Muli namang ipinaalala ni Salme sa publiko maging
sa mga turista na ingatan ang mga likas na yaman sa Boracay lalo na’t parami na
ng parami ang mga dumadayo dito at nagkakaroon ng mga iba’t-ibang aktibidad.
No comments:
Post a Comment