Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aprobado na sa SP Aklan ang hirit ng mga stake
holders mula sa isla ng Boracay at bayan ng Malay na magkaroon ulit ng Public
Hearing hinggil sa Base Market Values.
Sa ginanap na 9th Regular Session
kaninang umaga ay pinag-usapan sa plenary ang nasabing isyu, kung saan
ikinonsidera ang hiling ng mga stake holders mula sa Boracay at Malay.
Bagay na napagkasunduan naman ng konseho na muling
magkaroon ng public hearing hinggil sa General Revision ng Schedule of Base
Market Values para sa residential, industrial at commercial lands sa probinsya.
Kaugnay nito, muli namang nilinaw ni Vice Governor
Gabrielle Calizo Quimpo na ang nasabing panuntunan sa bagong bayarin tungkol sa
buwis ay proposal pa lamang at hindi pa naisasapinal.
Samantala, inaalam pa ngayon ang availability ng
Aklan Provincial Assessor at SP Aklan para sa itatakdang schedule ng public
hearing.
Matatandaang hiniling sa nakaraang pagpupulong ng
mga stake holders mula sa Boracay at Malay sa SP Aklan na magkaroon ulit ng
public hearing at ilipat ang venue malapit sa mga nasabing lugar para mas
marami ang makakaalam.
No comments:
Post a Comment