Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sampung mga Barangay nalang umano sa probinsya ng
Aklan ang walang suplay ng kuryente makaraang manalasa ang super typhoon Yolanda.
Base sa datus ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO)
nasa 358 mula sa 368 na mga barangay sa Aklan na ang naibalik ang suplay ng
kuryente.
Ayon kay AKELCO Assistant General Manager for
engineering Engr. Joel Martinez, ang nasabing sampung lugar ay kinabibilangan
lahat ng mga barangay sa bayan ng Libacao.
Samantala, kabilang sa mga pinagsusuplayan ngayon
ng kuryente ng AKELCO ang 17 na munisipalidad sa probinsya gayundin ang bayan
ng Pandan at Libertad sa probinsya ng Antique.
Dagdag pa ni Martinez ang Department of Energy at
ang National Electrification Administration (NEA) ay nagbigay narin umano ng
deadline na dapat sa pagtatapos ng buwan ng Marso ay mailawan na ang mga
nasabing kabarangayan.
Napag-alaman na ang AKELCO ay nagsagawa ng
rotational brownouts at power interruptions dahil sa mga sirang transmission
lines kung saan patuloy na inaayos.
Nabatid na bago paman naitakda ang ibinigay na
deadline sa AKELCO ay napailawan na ng nasabing kooperatiba ang mga lugar na naapektuhan
ng bagyo maliban na lamang sa sampung barangay.
Matatandaang halos lahat ng poste ng AKELCO ay
pinadapa ng bagyong Yolanda na higit na nakaapekto sa mga Aklanon dahil sa dalawang
buwan na kawalan ng power supply.
Samantala, taos puso ring pinasasalamatan ng
kooperatiba ang Task Force Kapatid ng NEA sa suporta at pagtulong nito upang
maibalik sa normal ang suplay ng kuryente sa probinsya.
No comments:
Post a Comment