Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi lamang umano para sa beach front ng Boracay
ipinapatupad ang 30-meter easement rule kundi maging sa lahat na establisyemento
sa buong isla.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, bibigyan pansin din umano ng Boracay Redevelopment
Task Force ang iba pang mga imprastraktura sa Boracay kabilang na ang mga
residential area na lumabag rin sa 30-meter easement rule matapos ang kanilang
clearing ngayong buwan ng Marso sa beach front.
Napag-alaman na ilan pang mga business
establishments sa beach front ang lumabag sa nasabing easement rule na ipinag-uutos
na ring patanggalin.
Samantala, mismong ang Task Force na rin ang
nag-demolished ng mga imprastraktura ng mga establisyementong hindi
nag-voluntary demolish ng kanilang “illegal structures.”
Sa kabilang banda pito pang mga business
establishments sa beach front ang binigyan ng deadline hanggang ngayong araw ng
Sabado para tanggalin ang kanilang ilegal na straktura.
Kamakailan lang ay ininspeksyon ni Tourism
Secretary Ramon Jimenez at DILG Secretary Mar Roxas ang mga business
establishments sa Boracay na sumunod sa Presidential Proclamation 1064.
No comments:
Post a Comment