Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dumating na ang itinuturing na pinakamalaking
cruise ship na MS Costa Atlantica sa isla ng Boracay pasado alas syete ng
umaga.
Galing pa sa China at Manila ang MS
Costa Atlantica na may lulang 2, 680 na mga turista at 897 na mga crew.
Nabatid na karamihang sakay ng
nasabing barko ay kinabibilangan ng mga media personality na gustong mag-island
tour sa isla ng Boracay.
Masayang sinalubong ng Aklan
Provincial Government, LGU Malay at Department of Tourism ang pagdating ng mga
turista sa Cagban Port.
Kabilang dito sina DOT Boracay Officer
In charge Tim Ticar, Aklan Vice Governor Billie Calizo at Committee Chairman on
Tourism SB Member Jupiter Gallenero na nakibahagi sa isinagawang programa para
sa exchanging of plaque of appreciation.
Ikinatuwa naman ng mga opisyal ng
probinsya ang patuloy na pagdagsa ng mga cruise ship sa isla, kung saan nauna
naring sinabi ni Aklan Provincial Governor Joeben Miraflores na indikasyon na
ito na magiging isa sa mga sikat na destinasyon ang Boracay para sa mga cruise
ship.
Napag-alaman na bandang ala-sais
naman mamayang gabi ang departure nito patungong Naha Okinawa Japan na syang
susunod na magiging destinasyon.
Itinuturing naman na isa sa mga pinakamalaking barko ang
MS Costa Atlantica dahil sa may 15 itong palapag.
No comments:
Post a Comment